DAGDAG KAALAMAN HANDOG NG SKILLS TRAINING PROGRAM SA PAGGAWA NG PIZZA BREAD, COFFEE JELLY AT BANANA CAKE

July 30, 2025

BEST PRACTICES & ACCOMPLISHMENT 3Q 2025

11/19/20251 min read

Nakapaghandog ng masarap na karanasan at bagong kaalaman ang isinagawang “Skills Training Program" para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Quezon City Jail - Male Dormitory, kung saan itinuro sa kanila ang paggawa ng Pizza Bread, Coffe Jelly at Banana Cake mula sa simula hanggang sa pagluluto nito.

Layon ng programa na maturuan ang mga PDLs ng mga praktikal na kasanayan na maaari nilang magamit bilang kabuhayan sa kanilang muling pagbabalik sa komunidad. Bukod sa bagong kaalaman, nagbigay rin ito ng inspirasyon at pag-asa na mas mapabuti ang kanilang kinabukasan.