INFORMATION DRIVE SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN AT PILING LUGAR SA MONTALBAN RIZAL

July 29, 2025

BEST PRACTICES & ACCOMPLISHMENT 3Q 2025

11/19/20251 min read

Nagsagawa ng information drive ang mga kawani ng Quezon City Jail - Male Dormitory sa mga pampublikong sasakyan at piling lugar sa Bayan ng Montalban, Rizal. Namahagi sila ng mga educational leaflets na tumatalakay sa mga isyung gaya ng kampanya laban sa paninigarilyo at illegal na droga, adbokasiya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), J.A.I.L Plan 2040 at proseso ng recruitment sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Layon ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng publiko at hikayatin ang mas aktibong pakikilahok sa mga adbokasiyang pangkaayusan at pambansang kapayapaan.