MAINIT NA AROSCALDO PARA SA MGA PDL SA GITNA NG MALAMIG NA PANAHON

July 24, 2025

BEST PRACTICES & ACCOMPLISHMENT 3Q 2025

11/19/20251 min read

Nagpaabot ng init at malasakit ang Quezon City Jail - Male Dormitory sa pamamagitan ng mainit na aroscaldo na inihain para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ngayong malamig na panahon.

Bahagi ito ng programang “Adopt-A-Dorm”, isa sa mga best practices ng QCJMD, na layong ipadama sa mga PDL ang pagpapahalaga sa kanilang kalagayan, hindi lamang sa seguridad kundi maging sa kalusugan at kapakanan.