PAGDARAOS NG BANAL NA MISA

Agosto 20, 2025

BEST PRACTICES & ACCOMPLISHMENT 3Q 2025

11/19/20251 min read

Muling isinagawa ang Banal na Misa sa Quezon City Jail Male Dormitory. Dumalo sa nasabing aktibidad si Jail Warden, JSUPT WARREN M GERONIMO, kasama ang mga kawani ng QCJMD, at mga PDL.

Pinangunahan ni REV. FR. BIENVENIDO LUKE DOBLES ang misa, kasabay ang kanyang mga kaibigan sa UST High School batch 1974 at miyembro ng NEC Multi-Purpose Cooperative (Cubao) na naghandog ng munting programa at nagbigay ng regalo at pagkain para sa mga PDL ng QCJMD.