QUEZON CITY JAIL MD BLUE ALERT STATUS

July 26-27, 2025

BEST PRACTICES & ACCOMPLISHMENT 3Q 2025

11/19/20251 min read

Alinsunod sa pagdedeklara ng Blue Alert Status ng Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region sa pamumuno ni JCSUPT BABY NOEL P MONTALVO, TLPE, Regional Director of Jail Bureau, nagsagawa ng formation ang mga tauhan ng Quezon City Jail - Male Dormitory.

Pinangunahan ito ni Jail Warden JSUPT WARREN M GERONIMO, upang tiyakin ang kahandaan, presensya, at alertong kondisyon ng mga kawani. Kasunod ng formation ay isinagawa rin ang Ranks Inspection kung saan masusing sinuri ang pananamit, kaayusan, at kalinisan ng gamit, kabilang ang kanilang mga dalang sandata, upang matiyak ang disiplina at pagiging handa sa anumang sitwasyon o emerhensya.