TALAKAYAN KASAMA ANG MGA KAWANI NG INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

Agosto 28, 2025

BEST PRACTICES & ACCOMPLISHMENT 3Q 2025

11/19/20251 min read

Muling bumisita ang mga kawani ng International Committee of the Red Cross sa Quezon City Jail - MD upang makipag dayalogo. Pinaunlakan ito ng butihing Warden na si JSUPT WARREN M GERONIMO, kasama ang mga tauhan ng Logistics, Welfare and Development, at ng Health Unit.

Pinuri ng ICRC ang mga pagbabagong ipinatupad ng QCJMD mula sa huli nilang pagbisita. Sinunod ng jail ang mga mungkahi ng ahensya para sa ikabubuti ng pasilidad. Muli ring nagbahagi ng mga panibagong rekomendasyon ang ICRC na bukas-loob na tinanggap at pagtutuunan ng aksyon ng pamunuan.